Friday, June 3, 2011

What i found on Tumblr :)

MAJOR TURN-ONS :) Some of it :">

Marunong mag-gitara. Hindi naman kelangan ganun kagaling basta ba tutugtugan ka ng mga love songs :”>
Marunong kumanta. Hindi rin kelangan ganun kagaling basta ba kakantahan ka lalo na kung matutulog ka na :”>
Marunong sumayaw. Tapos sabay kayong sasayaw ng swing, hiphop or any dance :”>
May respeto. Yung kahit na mag-on na kayo alam niya yung limitations sa mga dapat niyang gawin.
Matapang. Yung handa kang ipaglaban at handa kang ipakilala sa mga magulang niya lalo na’t handa siyang harapin ang mga magulang mo.
Mabango. Ito super major turn on. Yung bang dadaan lang siya maaamoy mo na tapos magsa-stay yung pabango niya sa kahit saan :”>
Mahilig mag-hoodie. Tapos ipapahiram niya sayo’t maaamoy mo yung pabango niya :”>
Simple Pumorma. Yung kahit naka-basketball shorts lang siya at ordinary t-shirt, HOT parin :”> Fuuu ~
Gentleman. Yung bubuksan ang pinto para sayo, dadalhin ang gamit mo :”>
May oras para sayo. Yung kahit na ang dami-dami niyang ginagawa, may oras pa rin siyang nakalaan para sayo :”>
Magaling mag-basketball. Yung tuturuan ka pa maglaro ng basketball tapos yung iche-cheer mo bawat shoot niya. Ohhh ~
Mahilig sa bata. Ang cute kasi kapag nakikipaglaro sila sa bata eh :P
Mahilig sa hug. Kasi nafe-feel mo talaga kung gaano ka niya kamahal eh :”>
May Dimples. Ang cute kasi lalo na kapag wagas ngumiti :)

No comments:

Post a Comment